
Tiyak marami ang maaantig at kapupulutan ng aral at inspirasyon ang “Bokasyon” episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado, September 4.
Tungkol ang “Bokasyon” episode sa isang dalagang nagngangalang Nicole na may Tourette's Disorder o Tourette Syndrome.
Ito ay isang kondisyon kung saan may tics o hindi napipigilan o nakokontrol ng isang tao ang paggalaw ng kanyang katawan o paggawa ng tunog.
Kaya naman madalas nagiging tampulan ng tukso ang mga taong tulad ni Nicole na may Tourette Syndrome.
Ang “Bokasyon” episode ng bagong 'Wish Ko Lang' / Source: Wish Ko Lang
Ang aktres na si Kris Bernal ang gaganap bilang Nicole, at ayon sa kanya nakaka-inspire ang kuwento ni Nicole.
“Nakaka-inspire talaga the character of Nicole kasi despite her disabilities, despite her condition, talagang naabot niya ang pangarap niya na maging teacher, may paninindigan siya, she graduated with honors, and talagang lahat ng pagsubok sa buhay, nakaya niyang lampasan.
“'Yun ang tinuro sa'kin ni Nicole dito sa pagganap ko sa 'Wish Ko Lang.'”
Kinuwento rin ni Kris na naka-relate siya kay Nicole dahil pareho silang goal-getter.
“Goal-getter din ako. I'm the type of person who consistently accomplishes my specific goals.
“Talagang gagawin ko ang lahat, paghuhusayan ko. I'll work hard for it. At nakita ko 'yon kay Nicole.”
Dagdag pa ni Kris, pareho raw sila ni Nicole na caring sa mga taong mahahalaga sa kanila at pareho rin nilang naranasan ang bullying.
“Kasi ako as a person, I'm also very caring to those people who matter to me…like kay Nicole, 'yung mga estudyante niya.
“And at the same time siguro, I can relate dun sa part na being bullied, since alam n'yo naman bilang artista, we get bullied all the time rin.
“So, naka-relate ako dun na may sarili siyang paninindigan, na she was unbothered by, you know, mga taong inaasar siya, nilalait siya, at wala…tinuloy niya lang 'yung mga bagay na makakapagpasaya sa kanya at tinuloy niya lang 'yung mga pangarap niya sa buhay.”
Makakasama rin ni Kris sa “Bokasyon” episode sina Juancho Trivino, Elijah Alejo, Althea Ablan, Will Ashley, Maxine Medina, Alexandra Abdon at Bryan Benedict.
Huwag palalampasin ang nakaka-inspire na “Bokasyon” episode ng bagong afternoon habit ng bayan, ang bagong 'Wish Ko Lang,' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong 'Wish Ko Lang' sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Balikan ang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: