
Ilang celebrities ang nagkaroon ng special participation sa Flores de Mayo ngayong 2026.
Isa sa mga nakiisa sa taunang event ay ang Sparkle actress at StarStruck alumna na si Kris Bernal.
Related gallery: Other celebs who reigned in Flores de Mayo 2026
Sa online posts ng netizens, spotted si Kris at ang kanyang beauty sa pagsagala niya sa Bocaue, Bulacan bilang Reyna Emperatriz.
Naging maulan man sa gabi ng Santacruzan sa naturang lugar, marami pa rin ang naghintay sa labas ng kani-kanilang mga bahay para makita ang Kapuso actress.
Ilang Bulakenyo rin ang sinulit na ang pagkakataon na makapag pa-picture kay Kris.
Courtesy: policarpio.vicky IG, dustzz_flciano IG
Bukod sa month-long festival, nakiisa rin ang celebrity mom-actress sa first-ever Sparkle Run na ginanap nitong May 30, 2026.
Samantala, si Kris ang isa sa lead stars ng recently concluded GMA intense drama series na House of Lies.