
Isa na namang masayang episode ang hatid ng inyong favorite Sunday night habit, ang The Boobay and Tekla Show, dahil makakasama natin ang versatile actress at soon-to-be mom na si Kris Bernal.
Sasabak ang guest star at TBATS hosts na sina Boobay at Tekla sa pinakabagong laro na “Food or Fake,” kung saan anim na food items ang idi-display.
Titingnan nina Boobay, Tekla, at Kris ang mga nakahandang pagkain mula sa malayo at pipiliin kung ano ang totoo sa mga ito. Matapos ito, matitikman nila ang napiling food item para malaman kung ito'y totoong pagkain o hindi.
Ibabahagi rin ni Kris sa “TBATS Top 5” ang Top 5 things na dapat gawin ng babae upang sila'y hindi iwan ng lalaki habang ang comedy duo ay magbibigay ng kanilang nakatutuwang komentaryo.
Bukod dito, muling mapapanood ang hit segment na “Phone Raid.” Ano-ano kaya ang mga malalaman nina Boobay at Tekla mula sa inbox ni Kris sa kanyang cellphone?
Samantala, isang Sparkle actress, na kaibigan ni Kris, ang magiging biktima ng isang prank sa “Na-TBATS Ka!” segment. Sino kaya ito?
Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (May 7), 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
SAMANTALA, TINGNAN ANG PREGNANCY JOURNEY NI KRIS BERNAL SA GALLERY NA ITO.