GMA Logo kris bernal birthday prank
What's Hot

Kris Bernal, sinubok ang kanyang leading men sa isang prank

By Bianca Geli
Published June 8, 2020 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

kris bernal birthday prank


Para sa kanyang nakaraang kaarawan noong Mayo, isang birthday prank ang ginawa ni Kris Bernal sa kaniyang leading men. Sino kaya sa kanila ang napaniwala ni Kris?

Isang birthday prank pala ang inihanda ni Kris Bernal sa kaniyang kaarawan noong Mayo.

Sa latest YouTube vlog ni Kris, ipinakita niya ang prank na ginawa niya sa kaniyang leading men sa showbiz, kabilang sina Rayver Cruz, Rocco Nacino, Jason Abalos, Jake Cuenca, Martin del Rosario, at Ken Chan.

Ikinuwento ni Kris ang magiging prank, "Yayain ko sila sa birthday party ko with my family, dahil gustong gusto silang makita ni mommy, and may kasamang TF.

"So, tingnan natin kung papayag sila since nasa modified enhanced community quarantine tayo (MECQ)," saad ni Kris sa video na kinunan noong nakaraang Mayo.

Unang tinawagan ni Kris ay ang Asawa Ko, Karibal Ko at Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko leading man niya na si Rayver Cruz.

Tanong ni Kris kay Rayver, "Lumalabas ka na ba?"

Sagot ni Rayver, "Hind, e, 'di pa ako nakakalabas. Dito lang ako for two months."

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Kris at diretsahan na itong niyaya sa kaniyang fake birthday party.

Aniya, "Kasi, magbi-birthday ako with family dito sa house sa Makati.

"Gusto ka makita ni mama kasi never ka pa yata niya nakita.

"Puwede ka ba, kahit daan lang?" dagdag ni Kris.

Tinapat naman siya ni Rayver dahil sa sitwasyon nito noong nakaraang MECQ, ani ni Rayver, "Paano 'yun, hindi pa ako lumalabas. Ang higpit dito sa Parañaque..."

Umubra kaya ang pag-iimbita ni Kris? Sino sino kaya ang mga napapayag niyang pumunta sa kaniyang fake birthday party noong MECQ?

Panoorin:


Kris Bernal admits she's not financially stable yet

WATCH: Kris Bernal's live birthday workout