What's Hot

Kris Bernal, target ang roles na 'tumatatak' sa viewers

By Maine Aquino
Published August 20, 2025 3:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal memorable roles


Inilahad ni Kris Bernal ang mga roles na gusto niyang gawin ngayong nakabalik na siya sa Sparkle.

Ikinuwento ni Kris Bernal ang kaibahan ng magiging showbiz career niya ngayong mayroon na siyang asawa at anak.

Si Kris Bernal ay ikinasal sa asawa niyang si Perry Choi noong 2021. Samanatala, ipinanganak naman ni Kris ang kanilang first baby na si Hailee noong 2023.

Ang versatile actress na si Kris ay nagkuwento ng ilang detalye sa kaniyang pagpili ng roles sa exclusive interview sa GMANetwork.com.

Ayon kay Kris Bernal, hindi na magiging tulad ng dati ang kaniyang paggawa ng mga proyekto. Kuwento ni Kris, "Na-experience ko na rin sa serye 'yung lagari. Sabi ko nga every year lagi akong may show for 18 years, hindi ako nawawalan ng serye. Laging bida o kontrabida.

Ipinaliwanag ni Kris kung nasaang stage na siya ng pagpili ng proyekto o gagampanang role.

"Nasa point na rin ako na okay lang ako sa kung ano'ng maibigay sa akin na role. Hindi na ako mamimili kung bida o kontrabida kasi siyempre nanay na rin ako. Alam ko may roles na binabagayan na lang ako. Siyempre, hindi naman na ako kasing bagets tulad ng before na puwede pa akong i-love team. Hindi na ako aasa na ila-love team pa ako."

Kung si Kris daw ang papipiliin nais niyang tahakin ang career ng isang character actress.

Ani Kris, "Gusto ko na lang siguro ngayon na ang role ko ay parang maging character actress. Makilala ako na nagpo-portray ng iba't ibang characters, iba't ibang roles na tumatatak."

SAMANTALA, BALIKAN ANG CONTRACT SIGNING NI KRIS BERNAL SA SPARKLE: