
Sa recent episode ng Tadhana, napanood sina Kris Bernal at Rodjun Cruz sa pagtatambal nila para sa episode na "Online Sabong Part 1." Ang trailer nito ay umabot na ng mahigit isang milyon ang views.
Kuwento ni Kris, "Ang ganda ganda, doon pa lang na-excite na ako. Nakita ko kahusayan ni Rodjun Cruz. More than one million views na po agad ang trailer ng part one namin. May part two pa 'yan."
Malaki rin daw ang pasasalamat niya na nakagawa muli siya ng proyekto sa Kapuso network.
Saad ni Kris, "Ano'ng pinagkakaabalahan ko ngayong quarantine? Siyempre nandiyan kasi 'yung mga online projects, nandyan 'yung mga online commitments, so I'm very thankful. Kasi delikado pa rin sa labas."
Dagdag niya, "Freelancer ako. I'm not exclusive to any network so na-appreciate ko 'yung mga trabaho ko sa bahay. Thankful ako na may mga nagko-consider sa akin. I'm thankful also to Tadhana kasi binigyan nila ako ng episode na ito."
Ibinalita rin ni Kris na muli na siyang mapapanood sa big screen para sa isang pelikula.
"May gagawin akong movie. Sexy comedy naman, excited ako kasi ang role ko is gym instructor. Gusto ko kasi very passionate ako sa working out. Importante rin yun to maintain our health."
Nag-post din si Kris tungkol sa kanyang lock-in taping para sa kanyang upcoming movie at nalalapit na kasal.
Aniya sa isang Instagram post, "Missing my man! We couldn't meet up again because of the surrounding news lately about the Delta variant. And because I'm locking in for a movie project, maybe the next time we'll meet each other is during my walk in the aisle."
Abangan ang Part 2 ng Tadhana: Online Sabong ngayong Sabado, July 31, 3:15 ng hapon sa GMA.
Check out Kris Bernal's prenup photoshoot with fiancé Perry Choi: