
Tampok sina Kris Bernal, Yayo Aguila, at William Martinez bilang magkakapamilya sa bagong episode ng Tadhana na mapapanood ngayong Sabado, December 5.
Source: krisbernal (IG); screenshot from '24 Oras'
“Tungkol ito sa kwento ng mga magkakapatid na hindi nagkakasundo. May kanya-kanya silang issues sa isa't isa. May kanya-kanya rin silang issues with their parents,” lahad ni Kris Bernal nang makapanayam ng 24 Oras.
Sina Yayo at William ang gaganap na mga magulang ni Kris dito. May pagka-consevative ang pamilya nila, lalo na dahil isang retired teacher si William.
“Ako 'yung mabait na nanay. Tatlo ang anak ko rito puro sila babae. Very conservative family din kami na nasa probinsiya. Close knit naman kami, actually, hanggang nu'ng lumaki nu'ng tumagal na nagkakaroon lang ng indifferences,”
“'Yung character naman dito ni Fidel, si William, siya 'yung tatay. Tipikal na tatay na very old school,” aniya.
Tampok din dito sina Diva Montelaba at Faye Lorenzo.
Mapanonood ang bagong episode ng Tadhana na pagbibidahan nina Kris, Yayo, at William ngayong Sabado, December 5, sa GMA.