GMA Logo Kris N Cha The Voice Generations
What's on TV

Kris N' Cha ng Parokya Ni Chito, pasok na sa Battle Round ng 'The Voice Generations'

By Jimboy Napoles
Published October 19, 2023 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GenSan targets zero firecracker-related injuries; code white alert up
Star of Bethlehem, West Philippine Sea feature in Toym Imao installation
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kris N Cha The Voice Generations


Abangan ang susunod na exciting perforamance ng duo na Kris N' Cha sa Battle Round ng The Voice Generations.

Pasok na sa Battle Round ng The Voice Generations ang magninong na sina Kris Angelica at Charlie Fry o mas kilala bilang duo na Kris N' Cha mula sa team ni Coach Chito Miranda na Parokya Ni Chito.

Sa isang panayam, ikinuwento nina Kris at Charlie ang kanilang mga pinagdaanan bago sumali sa The Voice Generations.

Kuwento ni Charlie, bestfriend niya ang ama ni Kris at siya rin ang isa sa mga ninong nito. Aniya, “She's the daughter of my bestfriend. Magkakasama kami noon [ng father niya] sa paglalaro ng basketball, naging varsity player siya, ako naman nagtuloy-tuloy sa pagiging musikero.”

Magkaiba man ang kanilang henerasyon, may isang bagay naman na kanilang pinagkaparehas at ito ay ang hilig sa pagkanta.

Ayon kay Charlie, nagsimula siyang umawit sa edad na anim na taong gulang pa lamang.

Aniya, “Sa musical career ko I started at the age of six, doing front acts for my father's group na medyo kilala rin noong araw 'yung D' Big 3 Sullivans. Doon ako na-train nang husto.”

Gaya sa kaniyang Ninong, bata pa lamang ay kumakanta na rin daw noon si Kris.

“Ako naman po seven years old pa lang po ako nang mag-start kumanta. Sumasali po ako sa mga singing contest and nag-join na rin po ako sa mangilan-ngilang TV shows,” ani Kris.

Paglalahad pa ni Kris, dalawang taon siyang naging singer sa isang banda sa Dubai, pero umuwi siya sa Pilipinas nang magkaroon ng pandemya. Kasabay nito, hindi niya inasahan na magkakaroon din diya ng problema sa kaniyang boses.

“Nag-banda po ako sa Dubai for two years. Umuwi po ako dito sa Philippines noong nag-pandemic and then napansin ko po 'yung boses ko na ang tagal kong paos ganyan, hindi ako mabilis agad maka-recover. Tapos nung nagpa-check po ako sa doktor, ang sabi po sa akin is may nodules nga raw po ako, 'yung cause po niya is over singing, na-overuse ko po 'yung boses ko,” anang singer.

Pakiramdam daw noon ni Kris ay katapusan na ng kaniyang career bilang isang singer, pero nabuhayan daw siyang muli nang ayain siya ng kaniyang Ninong Charlie na sumali sa The Voice Generations.

Aniya, “Feeling ko po tapos na 'yung singing career ko po. Hindi ko na po siya mapagpapatuloy kasi natakot po ako e. It's either ooperahan po sana 'yung lalamunan ko. Nagpahinga po ako ng two years, and then si Ninong inaya po akong sumali dito bale siya na lang po ang nakapagpabalik sa akin sa pagkanta. Kaya tuwang-tuwa po ako sa tiwala niya.”

Kuwento ni Charlie, “Sabi sa akin ng dad niya, 'Alam mo pare, kapag napabalik mo sa pagkanta si Kris, ako na ang pinakamasayang tatay sa buong mundo.'”

Aminado si Kris na nawala na ang kumpiyansa niya sa kaniyang sarili pero unti-unti itong bumalik sa tulong ng kaniyang Ninong Charlie.

“To be honest po natatakot talaga ako, parang 'yung confidence ko hindi bumabalik. Pero super thankful ako sa tiwala ng Ninong na kaya ko pa ring kumanta, talagang pinapalakas niya 'yung loob ko na everyday magkausap kami, sinasabi niya, 'Huwag kang kabahan, 'yung boses mo nandiyan lang 'yan,” ani Kris.

Para naman kay Charlie, nais niyang patunayan sa kaniyang sarili na kaya niya pa ring makipagsabayan sa mga kabataan pagdating sa kantahan.

Kuwento niya, “My motivation ko is…kasi malapit na akong mag-senior e. So ang main motivation ko is to prove to myself na I can still sing with these young guys, the young generation of singers here in the Philippines, na mahuhusay naman talaga. Ang mapasama nga ako dito [The Voice Generations] ay masayang-masaya na ako.”

Sa kanilang performance sa Blind Auditions, pinatunayan ng Kris N' Cha ang kanilang galing sa pag-awit bilang isang duo nang kantahin nila ang isang OPM classic na “Yakapin Mo Ako.”

Dito ay napaikot nila ang dalawang coaches na sina Chito at Stell kung saan napagdesisyunan nga nilang mapabilang sa Parokya Ni Chito.

Pagdating naman sa Sing-Off, muling pinatunayan ng Kris N' Cha ang kanilang unique vocal prowess sa kanilang emotional performance ng awiting “How Am I Supposed To Live Without You.”

Hindi naman nabigo sina Kris and Charlie na pabilibin ang kanilang coach na si Chito.

“The first day ng rehearsals, hindi pa naririnig ni Kris 'yung part niya, first time niya lang daw marinig so medyo, 'Uy kinakabahan ako.' Pero nung second day of rehearsals alam niya na, slight tweaking, pagdating dito it was perfect,” ani Chito sa kanilang Sing-Off performance.

Dagdag pa niya, “Ako, I just keep on reminding them to have fun and let their voice do their own thing. 'Wag na 'yung to impress. Basta enjoy lang.”

Ang The Voice Generations ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa mundo na The Voice mula sa ITV Studios.

Napapanood ito for the first time hindi lamang sa Pilipinas kung 'di pati na rin sa buong Asya via GMA Network.

Tutukan ang The Voice Generations tuwing Linggo, 7:35 p.m. pagkatapos ng BBLGANG.