
“Love, love, love!”
Ito ang mensahe ng kilalang Kris Aquino impersonator na si Krissy Achino nang balikan ang naging guesting niya sa YouLOL Originals vodcast na Your Honor.
Matatandaan na noong Hunyo, nakasama ni Krissy ang best friend niya na si Born to Shine star Inah Evans sa vodcast hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar.
READ: Your Honor: Inah Evans, sinabing 'friendship over' sila ni Krissy Achino kapag naging korap
Sa Instagram post niya, inalala niya ang naging chikahan niya with Inah at napa-hirit, “Dito niyo malalaman ang intensity ng friendship namin ng Baklang Kanal na 'to, hahaha, magkasamang nag-iigib sa bar, nagsasapakan sa taping, tapos Sis na ulit pagdating ng umaga. Pero may isang bagay na pwedeng sumubok sa relasyon namin: politika. Hahaha! Stream it now!”
Taos-puso rin ang pasasalamat niya kay Madam Cha at Vice Chair Buboy na ipinatawag sila bilang resource person sa hearing.
Ani Krissy, “Your Honor, I move to formally extend our utmost gratitude to Madam Cha and Mr. Buboy for having us. I would also like to manifest the same heartfelt thanks to GMA Network, YouLOL, and this honorable court. With no further business to attend to, I second the motion.”
Ngayong Sabado naman, special guest ng House of Honorables ang Pepito Manaloto star na si Maureen Larrazabal kung saan magkukuwento ito sa kaniyang buhay pag-ibig.
Mapapakinggan din ang full episodes ng YouLOL Originals podcast sa Spotify, Apple Podcast, at ibang pang streaming sites.
RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now