GMA Logo Kristel Fulgar
What's Hot

Kristel Fulgar, nag-timeout muna sa acting para maging content creator

By Kristian Eric Javier
Published February 1, 2024 3:26 PM PHT
Updated February 2, 2024 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

Kristel Fulgar


Alamin kung paano nagsimula si Kristel Fulgar sa pagiging content creator

Mula sa pagiging isang child actress, isa na ngayong ganap na content creator si Kristel Fulgar na nakakakuha ng awards para sa ginagawa niyang mga content. Pero paano nga ba siya nagsimula bilang isang content creator?

Sa interview niya sa Suprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi ni Kristel na nagsimula ang lahat sa K-Drama noong 2018.

“Mahilig po ako sa K-Drama, tapos 'yung mga content ko po more on about Korean-related content. Kahit hindi pa po ako pumupunta ng Korea, tuloy-tuloy po 'yung mga ganung klaseng content ko,” pagbabahagi ni Kristel.

Ayon kay Kristel, ilan sa mga nauna niyang content noon ay tips kung papaano mag-aral ng Korean, mukbang o eating show videos, at iba pang content tungkol sa Korean food. Dagdag pa ng aktres ay nang makarating siya sa Korea noong 2018 ay tuloy-tuloy lang ang paggawa niya ng content.

“E, mahilig din po talaga ako mag-travel, 'yung travel vlogs po 'yung talagang pinaka na-enjoy ko na content,” sabi niya.

Dagdag pa ni Kristel, “Tapos 'yung mga audience ko po natuwa rin sila kapag gumagawa po ako ng content about Korea so nakita ko na parang may mga naaaliw din sa mga ginagawa kong videos and 'yun po 'yung parang nag-inspire sa'kin to continue.”

MAS KILALANIN PA SI KRISTEL SA GALLERY NA ITO:

Ibinahagi rin ni Kristel na noong una ay napagsasabay pa niya ang pagiging content creator at pagiging aktres ngunit nang mag-pandemic at nagkaroon ng locked-in tapings ay inamin niyang nalimitahan ang paggawa niya ng content.

“I had to choose between the two so pinili ko po 'yung content creating kasi po na-realize ko, ang tagal ko na rin pong umaarte and ito po 'yung parang bago, lalo na ngayon super uso ng digital content,” sabi niya.

At nang tanungin siya kung wala ba siyang regrets sa paghinto sa pag-arte, ang sagot ni Kristel, “Yes, for now.”

“Ako po, basta kung saan lang po may project. Simula pa naman po nung bata ako hindi po ako choosy sa mga project, kung ano po 'yung dumadating,” sabi niya.

Dagdag pa ni Kristel ay kahit hanggang ngayon ay nami-miss pa rin niya ang pag-arte at sinabing open pa rin siya sa acting opportunities at projects na dadating sa kaniya.

Pakinggang ang buong interview ni Kristel dito: