GMA Logo kristel fulgar
What's Hot

Kristel Fulgar, bukas pa rin sa pagbalik sa acting

By Kristian Eric Javier
Published February 1, 2024 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ysabel Ortega, nagtampo nang mag-solo trip si Miguel Tanfelix sa South America?
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

kristel fulgar


Kristel Fulgar: "Minsan, nami-miss ko rin po 'yung pag-arte."

May ilang taon na rin na hindi lumalabas sa TV o pelikula ang aktres na si Kristel Fulgar para mag-focus sa pagiging isang content creator. Pero ayon sa kaniya, bukas pa rin siya sa pagbabalilk sa pag-arte.

Sa interview ni Kristel sa Surprise Guest with Pia Arcangel, ibinahagi niyang napagsasabay pa niya noon ang pagiging artista at pagiging isang content creator. Ngunit knatigil lang ito noong magsimula ang pandemic.

“Kasi, nung time po ng pandemic, nauso po 'yung locked-in taping. Dati po napagsasabay ko 'yung taping and content creating. Pero nung nagkaroon po ng ganung system na locked-in taping, nali-limit po ako sa paggawa ng content ko, ng vlogs ko,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ni Kristel, “I had to choose between the two, so pinili ko po 'yung content creating kasi po na-realize ko, ang tagal ko na rin pong umaarte and ito po 'yung parang bago, lalo na ngayon super uso ng digital content.”

Inamin naman ni Kristel na mahal pa rin niya ang acting at sobrang na-enjoy niya ito at hanggang ngayon ay nami-miss pa rin niyang gumawa ng acting projects. Kaya ngayon na wala na uli ang locked-in taping, sinabi ng aktres na bukas pa rin siya sa paggawa ng acting projects.

“Minsan, nami-miss ko rin po 'yung pag-arte and ako naman po, open naman po ako sa any job opportunities, any projects po kaya go with the flow lang po ako, kung saan may project,” sabi niya.

MAS KILALANIN PA SI KRISTEL SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin naman si Kristel kung wala siyang regrets sa pag-iwan ng kaniyang showbiz career noon, ang sagot niya, “Yes, for now.”

“Ako po, basta kung saan lang po may project. Simula pa naman po nung bata ako, hindi po ako choosy sa mga project, kung ano po 'yung dumadating,” sabi niya.

Dagdag pa ni Kristel, “And tingin ko rin naman po, nasa right timing lang po lahat ng bagay.”

Huling napanood sa isang serye at sa pelikula si Kristel noong 2018.

Pakinggan ang buong interview ni Kristel dito: