
Nagsilbing inspirasyon ang Kapuso real-life couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz para sa content creator na si Kristel Fulgar.
Sa vlog ni Kristel na may pamagat na “Virgin bride stories,” napag-usapan nina Kristel at Shaira ang kanilang commitment sa pag-achieve ng celibacy journey bago sila pumasok sa married life.
Ibinahagi ng content creator na hindi siya makapaniwala sa pinagdaanan nina EA at Shaira sa loob ng mahigit isang dekada nilang relasyon habang nagpa-practice ng “celibacy.”
“Dito talaga, hands down. Mahirap sa lalaki,” sabi ni Shaira.
“Kaya iba talaga 'yung respeto ko talaga,” sagot naman ni Kristel.
Inamin ng Sparkle artist na desisyon niya at ng kanyang mga magulang ang nakaimpluwensya sa kanya upang sundin ang celibacy.
“Parents at saka ako rin. Ayoko. Natatakot ako mabuntis, alam mo 'yun,” paliwanag ni Shaira.
Ibinahagi naman ni Kristel na “goal” niyang ibigay ang kanyang “firsts” sa kanyang magiging asawa.
“Parang gift ko. Gift ko sa husband ko,” pahayag niya.
Maaga raw namulat si Shaira sa paniniwala na ang isa sa pinakamagandang regalong maibibigay sa isang asawa ay ang kanyang “purity.”
Isinaalang-alang din nila ang relihiyon at paniniwala tungkol dito, ngunit mas nanaig ang kanilang pangako para sa sarili.
Ikinasal si Kristel sa kanyang asawa na si Ha Su-hyuk noong May 10, 2025, sa South Korea. Samantala, sina EA at Shaira ay ikinasal noong August 14, 2025.
RELATED GALLERY: Celebrities who practiced celibacy until marriage