What's Hot

Kristine Hermosa's grateful message to mom Maria Alma Hermosa-Orille

By OWEN ALCARAZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 28, 2020 3:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Shai Gilgeous-Alexander drops 39 as Thunder hand Hawks 7th straight loss
Raps eyed vs group for blocking portion of road in Davao Oriental
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Noong mismong araw ng Mother's Day, nag-post ang semi-retired actress ng isang pagpupugay para sa kanyang Nanay.


Sa gitna ng kaguluhan sa panahon ng eleksyon, halos natabunan na ang espesyal na araw para sa mga nanay. Pero si Kristine Hermosa, nagawa pa ring isingit sa kanyang social feed ang isang pasasalamat para pinakamamahal niyang ina na si Maria Alma Hermosa-Orille.

Noong mismong araw ng Mother's Day, nag-post ang semi-retired actress ng isang pagpupugay para sa kanyang Nanay. Bibihira lamang ang mga ganitong pagkakataon, ang mag-pasilip si Kristine ng kanyang pribadong buhay at magbahagi ng saloobin, ngunit nang araw na iyon ay bumuhos ang pagmamahal niya para sa ina.

Ani Kristine, "Sa nag-iisa naming Nanay... Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo at [pag-a]alaga mo.. Sa lahat ng panahon at oportunidad na nawala sa'yo nang dahil sa inuna at mas pinili mo kami. Salamat sa walang sawang pagmamahal at pag-intindi sa amin. Salamat sa lahat ng aral na itinuro mo sa amin. Salamat dahil kahit ilang beses mo nang gustong sumuko, hindi mo pa rin ginawa dahil sa pagmamahal mo sa amin.

 

A photo posted by Kristine HermosaSotto (@khsotto) on


"Ngayong may sarili na akong pamilya at mga anak, ramdam na ramdam ko ang lahat ng sakripisyo mo at pagmamahal mo sa amin, Mama. Salamat sa mga panahon na sinasalo mo ako tuwing nahihirapan na ako. Walang papalit sa'yo. Hindi ko alam kung papano ko pa sasabihin at ipapakita sa'yo kung gaano ako pinagpala ng Diyos ng dahil sayo. Salamat sa buhay mo at sa lakas ng puso mo, Mama. Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil inalagaan ka niya at pinatibay. HAPPY MOTHER'S DAY, MAMA!!! Mahal na mahal kita! May God go before you and cover you with His divine protection. Happy thoughts, Mama. (Para sa ating dalawa yan.. Hehe.. ) nami-miss na kita agad."


MORE ON KRISTINE HERMOSA:

IN PHOTOS: Where is Kristine Hermosa now?

Oyo Sotto, Kristine Hermosa, and kids go on a Canadian getaway

Oyo Sotto and Kristine Hermosa pregnant with fourth child