GMA Logo Magpakailanman, #MPK
What's on TV

Kristoffer Martin at Dave Bornea, magkasamang haharapin ang mental health issues sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published February 2, 2024 2:56 PM PHT
Updated February 2, 2024 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI's Matibag: I'll wait for subpoena from 'proper' Senate Blue Ribbon committee
RESULTS: 3004/9745 pass May 2026 CPALE, UPD is top-performing school
This immersive exhibit displays Filipino fashion and artistry

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman, #MPK


Magtatambal sina Kristoffer Martin at Dave Bornea sa '#MPK' episode na tungkol sa mental health at LGBTQIA+.

Sina Kapuso stars Kristoffer Martin at Dave Bornea ang bibida sa brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap sila bilang LGBTQIA+ youth na magtutulungan sa pagkamit ng kanilang pangarap sa gitna ng mental health issues, diskriminasyon, at problema sa pamilya.


Si Kristoffer ay si Drei na nangangarap maging journalist. Bumukod siya sa kanyang pamilya para makalayo sa mapanakit niyang stepfather.

Si Dave naman ay si Randell na nagsa-struggle sa kanyang mental health matapos mamatay ng kanyang kapatid. Makakatanggap siya ng emosyonal na suporta mula kay Drei na magiging tulay sa pagbuti ng kanyang kundisyon.

Bubuo sila ng buhay kung saan sinusuportahan nila ang isa't isa sa kanilang mga pangarap, pero bigla silang haharap sa panibagong dagok nang ma-diagnose ni Randell ng stage 4 colon cancer.

Paano malalampasan nina Drei at Randell ang malaking pagsubok na ito?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:



Abangan ang brand-new episode na "What Matters Most," February 3, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang exclusive behind-the-scenes video na ito mula sa episode: