Article Inside Page
Showbiz News
Ayon sa KrisJoy, hindi raw nagbago ang kanilang working relationship kahit nagkahiwalay sila.
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Matatapos na ang matagal na paghihintay ng KrisJoy fans dahil ngayong araw na ipapalabas ang
Healing Hearts. Hindi basta-basta drama ang mapapanood sa Afternoon Prime soap dahil maraming kissing scenes nina Kristoffer Martin at Joyce Ching ang dapat abangan dito.
Ayon naman kay Joyce, hindi naging factor ang kanilang breakup para magkaroon sila ng ilangan ni Kristoffer. "Wala na po talagang ilangan sa amin ni Kristoffer. Kahit po noong medyo fresh pa 'yung break up namin," saad niya.
Dagdag pa niya, "Very comfortable po talaga kami sa isa't-isa na magkatrabaho kasi kapag may scenes kaming ginagawa, lagi talaga kaming nagtutulungan."
Mas naging maganda pa nga raw ang kinalabasan ng kanilang working relationship pagkatapos ng kanilang paghihiwalay. Aniya, "Kumbaga, 'yung experiences namin at 'yung relationship namin as mag-ex, nagagamit namin 'yon sa scenes na ginagawa namin."
Sang-ayon din si Kristoffer sa mga sinabi ni Joyce. "Wala naman talagang nabago in terms of working relationship namin ni Joyce," anang Healing Hearts leading man.
"Masasabi namin na naging stronger pa 'yung working relationship namin dahil doon sa mga nangyari sa past. Mas nakilala pa namin 'yung isa't-isa," pagtatapos ni Kristoffer.