What's Hot

Kristoffer Martin at Joyce Ching, bukas sa ideyang magkabalikan

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 7, 2020 6:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Kristoffer on Joyce: "'Yung care and love hindi naman talaga nawawala 'yan eh."


Talagang nakakamangha na napanatili nina Kapuso stars at ex-couple na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching ang kanilang maayos na relasyon sa trabaho matapos ang kanilang break up. 

Madalas din silang matanong kung posible ba silang magkabalikan bilang magkasintahan. 

"'Yung care and love hindi naman talaga nawawala 'yan eh," paliwanag ni Kristoffer sa ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com. 

"Sabi nga namin, hindi naman namin sinasarado 'yung pinto. Kumbaga open pa rin sa possibilities. Hindi naman namin sinasabi na hindi na talaga or magkakabalikan kami pero open pa rin naman," dagdag nito.

Pareho rin ang tingin ni Joyce dito. Sa katunayan, nananatiling "kaibigan" ang turing nila sa isa't isa. 

"The feeling is mutual. Ang tagal na namin na naging kami so talagang 'yung relationship namin nasa point na siya na sobrang unbreakable," aniya.

Magkakasama muli sina Kristoffer at Joyce sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Anything For You. Makakasama nila dito sina Eula Valdez, Snooky Serna, Chinggoy Alonzo, Thea Tolentino, Bruno Gabriel, Renz Valerio, Mona Louise Rey at marami pang iba.

MORE ON KRISJOY:

Kristoffer Martin at Joyce Ching, balik tambalan sa bagong drama

Kristoffer Martin, varsity player dati

Joyce Ching, tumanggap ng special award mula sa kanyang school