What's Hot

Kristoffer Martin at Joyce Ching, ibinahagi ang sikreto ng maayos na hiwalayan

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 2:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nga ba mag-move on and stay friends?


Balik tambalan sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Anything For You ang dating magkasintahang sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Minsan na nilang inamin na bukas sila sa ideya ng magkabalikan. Ngunit ano nga ba ang sikreto sa pananatili ng maayos na working relationship nila?

"Siguro, 'yung sinasabi po kasing fall out [of love], iba na talaga 'yung trato n'yo sa isa't isa. Mararamdaman mo 'yun eh," panimula si Kristoffer sa panayam ng ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.

"From the beginning na naging kami, naging friends din naman kasi [kami]. It's been six years na, ganun pa rin. 'Yung care namin sa isa't isa ganun pa din," pagpapatuloy niya.

Sang-ayon naman dito si Joyce at sa katunayan, marami rin daw nakakapansin sa mabuting relasyon nila.

"Even 'yung mga matagal na naming nakatrabaho, 'pag nakakasama ko ulit, parang ganun 'yung comment nila—na parang wala namang nagbago talaga," aniya.

Makakasama nina Kristoffer at Joyce sa kanilang upcoming drama sina Thea Tolentino, Bruno Gabriel, Renz Valerio, Mona Louise Rey, Eula Valdez, Snooky Serna, Marina Benipayo, Marc Abaya, Jett Pangan, Chinggoy Alonzo at marami pang iba.

Abangan ang Anything For You, malapit na sa GMA Afternoon Prime!

MORE ON KRISJOY:

Kristoffer Martin, varsity player dati

Joyce Ching, tumanggap ng special award mula sa kanyang school