GMA Logo Kristoffer Martin
What's Hot

Kristoffer Martin, bumabawi sa asawa dahil sa pagkakamali noon

By Maine Aquino
Published February 10, 2024 3:16 PM PHT
Updated February 10, 2024 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


Sinagot ni Kristoffer Martin ang tanong tungkol sa issue noon sangkot ang isang female actress.

Itinanong kay Kristoffer Martin kung ano ang totoong namagitan sa kanila ng isang female actress.

Ang hot seat question ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel, "Ano ba talaga ang totoong namagitan sa inyo ng isang female actress?"

Hindi pinangalanan kung sino ang aktres pero ang naging sagot ni Kristoffer ay tungkol sa kanilang pinagdaanan noon ni AC Banzon.

PHOTO SOURCE: @kristoffermartin_ (IG)

Si Kristoffer at AC ay ikinasal noong February 2022. Nag-celebrate sila ng 2nd anniversary ngayong taon.

RELATED GALLERY: Kristoffer Martin and AC Banzon's civil wedding in Tarlac


"Hindi na tayo magpapaligoy-ligoy pa," sagot ni Kristoffer sa hot seat question.

Ayon kay Makiling star na si Kristoffer, hindi na siya magbibigay ng detalye sa nangyari sa kanila ng aktres.

"Nagpo-post naman kami together noong time namin. Pero ayoko na po kasi mag-go into details. Iba 'yung kuwento niya, iba 'yung kuwento ko."

Inamin naman ni Kristoffer na humingi siya ng tawad kay AC dahil siya ang pinakanaapektuhan sa pagkakamali noon.

"Siguro I would take this opportunity na lang na, ang pinaka naapektuhan dito is my then girlfriend now wife. Sa kaniya ako, nag-sorry na ako ng sincere sa kaniya. Even up to now, even ngayon na kasal na kami, I'm still making up for that mistake."

Sa huli, sinabi ni Kristoffer na siya ang nagkamali at piniling hindi na pag-usapan ito.

"Aminado naman ako na nagkamali. Kung ano man 'yung nangyari sa aming dalawa, for me, sa amin na lang 'yun."

SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER ACCOMPLISHMENTS NI KRISTOFFER MARTIN: