GMA Logo Kristoffer Martin
PHOTO COURTESY: kristoffermartin_ (Instagram)
What's Hot

Kristoffer Martin, excited na sa taping ng upcoming series na 'Cruz vs. Cruz'

By Dianne Mariano
Published March 13, 2025 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


Excited ang Sparkle hunk na si Kristoffer Martin sa taping ng upcoming series na 'Cruz vs. Cruz' dahil hango raw sa totoong buhay ang kuwento nito.

Isa ang Sparkle star na si Kristoffer Martin sa stellar cast ng upcoming GMA drama series na Cruz vs. Cruz.

Sa “Chika Minute” report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, excited na ang Sparkle actor na taping ng nasabing serye dahil hango sa tunay na buhay raw ang kwento ng Cruz vs. Cruz.

“Based sa nababasa ko sa script, 'yung mga eksena, paano siya nangyayari sa totoong buhay? Paano kinaya ng mga tao 'to?” pagbabahagi ng Kapuso hunk.

Bibida rin sa upcoming Kapuso drama series na ito sina Vina Morales, Gladys Reyes, at Neil Ryan Sese.

Kabilang din sa cast sina Pancho Magno, Lexi Gonzales, Gilleth Sandico, Elijah Alejo, Caprice Cayetano, at Cassy Lavarias.

Sa isang panayam, ibinahagi naman ni Vina na masaya at excited siya pagbabalik niya sa GMA at sa paggawa ng serye.

“Actually, hindi ako mapakali. Hindi ako mapakali, alam mo 'yung sobrang mixed emotions? I had butterflies in my stomach going down the car. Nu'ng nasa basement na, sabi ko, 'Ninenerbyos ako. Ano ba 'yung feeling na ganito?'” sabi ng actress-singer.

Paglilinaw ni Vina, “Ninenerbyos ako, in a way, dahil excited ako."

SAMANTALA, SILIPIN ANG CAST NG CRUZ VS. CRUZ SA GALLERY NA ITO.