
Bibida ang aktor na si Kristoffer Martin sa nakakakilabot na Magpakailanman episode na pinamagatang "Pinaslang ng Tikbalang."
Gaganap si Kristoffer bilang Archie, isang mabait na binatang nagmula sa isang mahirap na pamilya. Bigla na lang mawawala si Archie at pinaniwalaang kinuha ng tikbalang.
Ngayong nawawala si Archie, masusubok ang pamilya niyang sina Omeng (Nonie Buencamino), Delia (Yayo Aguila), Jay-jay (Kim De Leon), at Sally (Ashley Rivera).
Abangan ang brand new episode na "Pinaslang ng Tikbalang," October 21, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang episode na "Pinaslang ng Tikbalang," November 1, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.