
Bilang isang singer, hindi mawawala ang kagustuhan ni Makiling actor Kristoffer Martin na may maka-collaborate o maka-duet sa isang kanta. Ang choice niya, ang anak niyang si Pré.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel, sinabi ni Kristoffer na performer talaga ang kaniyang anak at nakikita niyang may talent talaga ito.
“Gustong-gusto niyang kumakanta, sumasayaw, talagang gusto niya. Minsan 'pag napapanood niya 'ko sa TV, 'Daddy, I want to act also,” pag-alala ni Kristoffer.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinabi ni Kristoffer ang kagustuhan ng anak na makapasok sa showbiz. January ngayong taon, sinabi rin niyang minsan nang sinabi ni Pré sa kaniya na gusto niyang umarte.
At gaya ng sagot niya noon, ang sinabi ni Kristoffer, “Parang ako, 'Anak, i-enjoy mo muna pagiging bata mo. 'Wag muna, kasi ganiyan din ako e.'”
“Parang kami, hinahayaan lang namin siya po e, kasi ngayon, 'yung edad niya, nasa...discovery [stage], kung ano talaga gusto ng bata,” sabi niya.
Sa ngayon, ayon kay Kristoffer, ay nagte-take ng gymnastics si Pré sa school. Sinabi rin sa kaniya umano ng anak na gusto nitong mag-paint.
“Madami pa siyang gustong gawin,” ani ng aktor.
MAS KILALANIN PA ANG ANAK NI KRISTOFFER NA SI PRE SA GALLERY NA ITO:
Dahil kumakanta naman si Pré, tinanong rin si Kristoffer kung ok lang ba sa kaniyang maka-collaborate or duet ang kaniyang anak. Sagot ni Kristoffer, meron na siyang pinapaaral dito na kanta para mai-duet nila.
“Napanood namin sa 'Journey to Bethlehem' kasi kinakanta niya po, tapos gustong-gusto niya. Sabi ko, 'Anak, hanapin mo 'yan tapos duet natin 'yan para 'pag may ano, bida-bida tayong dalawa,' sabi niya.
Samantala, tinanong rin ang actor-singer kung gusto pa niyang bumalik sa pagiging isang recording artist. Ani ni Kristoffer, “Kung bibigyan po ng chance.”
“Kasi parang nasasayang po 'yung boses ko e, sa videoke lang namin nagagamit,” biro niya.
Ngunit ayon sa aktor, mas priority pa rin niya ngayon ang acting, lalo na at nagagamit naman niya ang pagkanta sa mga regional events o promotions.
Pakinggan ang buong interview ni Kristoffer dito: