GMA Logo Kristoffer Martin, Kathryn Bernardo
Source: kristoffermartin_, bernardokath (Instagram)
What's on TV

Kristoffer Martin, gustong makatrabaho muli si Kathryn Bernardo

By Jimboy Napoles
Published February 7, 2024 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

At least 5,000 dead in Iran unrest, official says, as judiciary hints at executions
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin, Kathryn Bernardo


Si Kristoffer Martin ang unang nakatambal ni Kathryn Bernardo sa GMA noong 2010.

Inamin ng Makiling actor na si Kristoffer Martin na gustong niyang makatrabaho muli ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Matatandaan na nagtambal sina Kristoffer at Kathryn sa Philippine adaptation ng Korean series na Endless Love noong 2010 na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Si Kristoffer ang gumanap na young version ni Dingdong bilang si Johnny at si Kathryn naman ang batang Marian na si Jenny.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng batikang TV host si Kristoffer tungkol kay Kathryn.

“People not just in this country but around the world, endlessly talked about the separation of DJ (Daniel Padilla), at saka Kathryn na kaibigan mo. A pleasant surprise because one of the first love teams of Kathryn, ay ikaw nga, at nagkasama kayo,” ani Boy.

Tanong niya kay Kristoffer, “Are you, are you still in touch?”

“Hindi, hindi na po,” sagot naman ng aktor.

Ayon kay Kristoffer, matagal na rin silang hindi nagkakausap ni Kathryn, pero binabati naman nila ang isa't isa sa tuwing magkikita sa events.

Aniya, “Nagkikita kami, Tito Boy, sa mga events. Nag-ha-hi, hello-an. Pero 'yung personal, nag-me-message-an, hindi po.”

May mensahe naman si Kristoffer para kay Kathryn. Aniya “A, baka naman 'di ba? Work tayo, oo. Sayang 'yung Endless Love, o.”

“Tuloy natin 'yung following nun,” natatawang sinabi ng aktor.

Samantala, napapanood ngayon si Kristoffer bilang si Seb, ang isa miyembro ng Crazy 5 - ang grupo ng mga kontrabida sa Makiling. Isa sa mahalagang bagay sa serye ay ang mahiwagang bulaklak na Mutya.

Kaugnay nito, muling nagtanong si Boy kay Kristoffer, “Halimbawa lamang, ah magbibigay ka ng hiling kay Mutya para kay Kathryn, anong ihihiling mo?”

“Peace sa heart niya, Tito Boy. Kasi deserve niya 'yun e,” sagot ni Kristoffer.