
Kahit busy sa kaniyang showbiz commitments, proud ang Makiling star na si Kristoffer Martin na masabing hands-on dad siya sa anak na si Pré.
Kinuwento ni Kristoffer sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast kung papaanong hinahatid-sundo noon si Pré nang magsimula ito ng kinder.
“Nung kinder siya, hatid-sundo ko po siya sa school kahit po galing akong taping, 5 a.m. ako uuwi, o kaya 6 a.m. ako uuwi, ihahatid ko pa po 'yan ng school,” sabi niya.
Ayon kay Kristoffer, gusto niyang ihatid-sundo ang kaniyang anak dahil gusto niyang ma-witness ang first school year nito. Sinabi rin niya na umabot pa sa punto na siya na ang naging representative ng parents sa school dahil sa pagiging involved niya.
“So dumating po sa point na naging ano pa ako nun, current representative. Kasi ako po talagang nakikipag-usap sa mga parents, as in normal chika 'pag nasa school, nag-aantay ng anak, tapos 'yung mga close sa teacher as in 'yun po 'yung year na sobrang hands-on,” aniya.
Ngunit aminado rin ang actor-singer na ngayong mas busy na siya sa taping ng kaniyang serye, naging mas mahirap na sunduin at ihatid si Pré sa school. Sa ngayon ay mayroon na itong service na ayon kay Kristoffer ay nagkaroon ng mahabang explanation kung bakit.
KILALANIN ANG LITTLE PRINCESS NI KRISTOFFER NA SI PRE SA GALLERY NA ITO:
Pero kahit mas abala ngayon si Kristoffer sa kaniyang commitments, nagagawa pa rin niyang maglaan ng oras para sa anak.
“Minsan po meron kaming date day na susunduin ko siya ta's manonood lang kami, kakain kami. Minsan nag-aano na siya, 'Daddy, date tayo,'” kuwento niya.
“Dati once a week. Ngayon po kasi ang dami ng schedule atsaka puro nagbakasyon naman po kasi so wala, pero usually once a week po, every Friday, tapos kakain kami, manonood ng movie 'pag may gusto siyang movie pero mostly kain lang po or gusto niya nagta-Time Zone,” pagpapatuloy niya.
Ayon kay Kristoffer ay hindi nila nakakasama sa kanilang date night ang kaniyang asawa na si AC Banzon dahil nasa office pa ito. Pero matapos ang kanilang father-daughter bonding, ay sinusundo na nila si AC at sabay-sabay nang uuwi.
Pakinggan ang buong interview ni Kristoffer dito: