GMA Logo Kristoffer Martin and Caprice Cayetano
Source: GMANetwork.com & Kapuso Profiles
What's Hot

Kristoffer Martin, hindi nagulat na tumagal si Caprice Cayetano sa 'PBB' house

By Aedrianne Acar
Published February 5, 2026 6:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US fighter jet shot down over Iran, search underway for crew member
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin and Caprice Cayetano


Kristoffer Martin on Caprice Cayetano: "Marunong siyang makisama"

Isa sa big supporter ng Kapuso housemate na si Caprice Cayetano ang co-star niya sa GMA Afternoon series na Cruz vs. Cruz na si Kristoffer Martin.

Ayon sa Sparkle actor nang makapanayam ng GMANetwork.com sa contract signing ng Sparkle Run 2026 ngayong Huwebes, February 5, hindi na siya nagulat na halos malapit na si Caprice sa Big Night ng Pinoy Big Brother.

Aniya, “In-expect na namin 'yan. Sinabi namin sa kanya, abangan ka namin sa labas ah, sa Big Night.”

Ganun na lang daw ang bilib ni Kristoffer sa kanyang Cruz vs. Cruz co-star dahil na rin sa napaka-lovable raw talaga ng Sparkle teen star.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Kasi kung ano siya sa Bahay ni Kuya, ganun siya sa amin. Sobrang lovable ng character ni Caprice. As in wala kang mararamdaman na parang pretentious vibes sa kanya. Kumbaga, sobrang sincere niya, sobrang genuine niya talagang tao.”

Dagdag niya, “Like kung paano siya talaga makisama, makipag-usap sa'yo, totoong totoo siya. Kaya parang kami [noon], 'Argh, bakit mo kami iiwan.'”

Gumanap si Caprice bilang Jessica sa serye at half-brother naman niya ang role ni Kristoffer na si Jeff.

May pabirong hirit pa si Kristoffer sa tagal ni Caprice sa Bahay ni Kuya.

“Sobrang na-feel bad kami. Sabi nga namin, paglabas mo' nandito pa ang Cruz vs Cruz.. E, nandun pa rin siya [laughs], tapos na kami,” natatawang sabi ng Kapuso star.

Bukod daw sa nakikitang maturity ng viewers at fans kay Caprice, isa rin daw sa magandang ugali nito ay marunong daw ito makisama.

“Mas matured siya sa amin. Saka kami 'yung tatlo 'yung magugulo [referring to him, Lexi Gonzales, and Elijah Alejo]. Siya 'yung parang pinakatahimik sa amin. Marunong siya makisama. Good thing about her, kahit alam mo mahiyain siya pero marunong siyang makisama.”

RELATED CONTENT: Caprice Cayetano's stunning 'Kapuso Profiles' portraits that will leave you mesmerized

Mapapanood ang reality show live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream.