
Isa si Kristoffer Martin sa mga nakapanood na ng psychological horror film na P77, na pinagbibidahan ng Sparkle actress na si Barbie Forteza.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Sparkle actor na hindi typical horror movie ang naturang pelikula.
“Watched #P77 last night. NAPAGOD AKO. Ang taas ng heart rate ko sa umpisa pa lang ng movie hanggang matapos. This is not your typical horror story. Actually mas malalim eh. Mapapaisip ka pagtapos ng movie. Tapos makikita mo sarili mo na malungkot,” sulat niya sa caption.
Humanga rin ang Cruz vs. Cruz actor kay Barbie dahil sa husay nito sa pag-arte, pati na rin sa ganda ng kuwento ng pelikula.
“Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin pero ngayon lang kita nakita na ganto dito sa movie mo. Nakakainggit kaaa! Sarap gumawa ng gantong klaseng proyekto. Ang husay niyo magdala ng storya. Salamat sa napakagandang kwento,” dagdag niya.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Kristoffer Martin bilang Jeff sa GMA Afternoon Prime series na Cruz vs. Cruz.
RELATED GALLERY: The acting range of Barbie Forteza