
“Yes.” Naging mabilis at simple ang ginawang pagkumpirma ni Kristoffer Martin tungkol sa balitang nobya na niya ang kanyang Babawiin Ko Ang Lahat co-star na si Liezel Lopez. Ginawa ng Kapuso actor ang kanyang pag-amin at iba pang rebelasyon nang mag-guest siya at si Kelvin Miranda sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) nitong Linggo, April 4.
Sumalang sina Kristoffer at Kelvin sa 'May Pa-PressCon' segment ng TBATS. Dito ay tinanong ang dalawang Kapuso actors tungkol sa kanilang love life.
Nang tanungin si Kristoffer tungkol sa relasyon nila ni Liezel ay agad niya itong inamin. Matapang din niyang ipinahayag na mahal niya ang aktres at handa niya itong ipaglaban.
Aniya, “Yes, and 'yun 'yung ginagawa ko ngayon, namin ngayon; lumalaban kami.”
Sinagot din niya ang kumakalat na balitang isa siyang cheater.
“For me naman ano eh, lahat naman entitled sa kanya-kanyang opinion. So natapos ko naman na kung ano dapat tapusin and we are moving forward naman. Naayos na.”
Sa parehong segment ay nagpaabot din ng mensahe si Kristoffer para sa kanyang anak na si Pre.
“Hi Pre! Lagi ko 'tong sinasabi sa'yo. Daddy misses you everyday. Magulo lang ngayon at alam mo namang mahal na mahal kita. Kahit ganito man ang sitwasyon, always know na kasama mo pa rin ako sa paglaki mo. Hinding hindi kita pababayaan. Mahal na mahal ka ni daddy.”
Panoorin ang lahat ng rebelasyon ni Kristoffer at pati na ni Kelvin sa video sa itaas.
Samantala, ang dalawang Kapuso actors din ang nakipaglaro sa fun-tastic duo at The Mema Squad na kinabibilangan nina Miss Universe Manila 2020 Alexandra Abdon, Pepita Curtis, Ian Red, at Skelly Clarkson sa segment na 'Don't English Me.' Ang Team Boobay ay binubuo nina Kelvin, Alexandra at Ian habang Ang Team Tekla naman ay binubuo nina Kristoffer, Pepita at Skelly.
Sina Boobay, Tekla at The Mema Squad din ang nagkulitan sa bagong segment na 'Sipsipan Na.'
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na sa telebisyon tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: