What's Hot

Kristoffer Martin, inilahad ang estado ng pagkakaibigan nila ni Alden Richards

Published February 26, 2018 7:33 PM PHT
Updated February 26, 2018 7:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nigerian government secures release of 100 kidnapped schoolchildren, Channels TV says
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News



Ano'ng reaksiyon ni Kristoffer Martin sa bashers na nagbibigay ng malisya sa kanilang mga posts sa social media?

Nananatiling matatag ang pagkakaibigan nina Kristoffer Martin at Alden Richards kahit na sumasabak sila sa iba't ibang kontrobersiya.

Kuwento ni Kristoffer, meron mang pumupuna sa kanilang pagkakaibigan ay patuloy pa rin ang kanilang magandang samahan ng kanyang former Tween Academy co-star. Aniya, ito ay dahil sa mga bashers na nagbibigay ng malisya sa kanilang mga posts sa social media.

"Nung una talaga mahirap. Parang ang hirap maging malaya bilang kaibigan. Ngayong nasanay na kami, tanggap na," paliwanag niya.

Ibinahagi rin ng Kapuso singer-actor sa ginanap na pocket press conference para sa kanyang single na "Paulit Ulit" na ngayon ay minabuti nilang limitahan ang kanilang posts para huwag nang masamain ang lakad nilang magbabarkada. Aniya, "Ang dami naming kaibigan na circle namin. Alden, Rodjun [Cruz], ako, Bea [Binene], apat kami. Nagha-hiking pa po kami."

Kristoffer Martin, gustong mag-experiment sa musika

 

A post shared by Kristoffer Martin Dangculos (@kristoffermartin_) on

 

LOOK: Alden Richards, Kristoffer Martin, Bea Binene, Rodjun Cruz climb Mt. Talamitam

"Minsan mare-restrict kaming magpost kasi baka may masabi ang tao. Kumbaga sa circle of friends namin, mas maganda na tayo-tayo na lang [ang] may alam, huwag na tayo mag-post. Mas maganda na lumalabas tayo nang tahimik," pagpapatuloy ni Kristoffer.

Sa mga negative comments na naisusulat laban sa kanyang mga kaibigan, si Alden daw umano ang nanghihingi parati ng pasensiya. 

"Humihingi siya ng pasensiya. Siya nga rin nagsasabi na huwag na kayong mag-post every time na may labas, may lakad para hindi na rin maano. Sobrang concerned din niya eh," pagtatapos niya.