
Good vibes agad ang naramdaman ng Kapuso actor-singer na si Kristoffer Martin nang sumabak ito sa taping ng prequel ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento kamakailan lang.
Matapos ianunsyo na magkaka-season break ang flagship sitcom na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes, kinumpirma naman agad ang plano ng GMA Network na gumawa ng prequel ng comedy show.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Kristoffer kahapon sa kanyang contract renewal, ibinahagi nito na nag-click agad ang buong cast ng Unang Kuwento sa first taping pa lamang.
Wika ni Tun, “Ang saya! Kasi puro bagets, 'tsaka lahat nag-uusap. 'Tsaka lahat ka-edad, halos lahat ka-edad, even sila Miss Gladys [Reyes], sila Kuya Archie [Alemania], sila Miss Powkie--nakikipag-usap talaga, isang malaking bagay nga.
“'Yun nga nung nag-storycon kami, sabi ni Kuya Bitoy sana 'yun 'yung makuha n'yo, kasi 'yung Pepito, 'yung sa kanila 'yung present kina Kuya Bitoy---family daw talaga sila.” payo daw ni Direk Bitoy ayon kay Kristoffer.
Dagdag niya, “So, nakita ko naman nung first day namin, hindi siya pilit. Lumabas talaga, as in lahat talaga nag-uusap. Bonded siya first day pa lang, so na-e-excite ako sa mga following taping days namin.”
Sinigurado rin ni Kristoffer na magtanong palagi sa kanilang direktor na si Bert de Leon kung paano gagampanan ang role bilang young Wendell.
Ramdam daw ni Tun na very open si Direk Bert sa kung ano man ang kanyang suggestion.
Aniya, “Nakasanayan ko kasi, magtatanong lagi. Lalo na at baby ito ni Direk Bert talagang 'yung show.
“So, kailangan lahat, sa mata niya nasusunod. Pero ang maganda kay Direk Bert, 'Gawin mo lang Tun (Kristoffer Martin), ganito lang gusto ko makita, ito lang gusto ko maramdaman.' So doon na ako maglalaro, dun na ako magfo-focus sa gusto niya makita 'tapos maglalagay na lang ako ng konting insight ko dun sa sinasabi niya.
“Ganun, so usap lang talaga, communication talaga doon sa character laging ganun.”
Ilan sa makakasama sa highly-anticipated prequel ng Pepito Manaloto ay sina Sef Cadayona at Mikee Quintos na gaganap bilang Young Pepito at Elsa.
Parte din ng cast sina Kokoy de Santos, Pokwang, Archie Alemania, at si Gladys Reyes.
Tara at ating balikan ang ilan sa milestones ng Pepito Manaloto sa loob ng nagdaang dekada sa gallery below.