
Agad nag-post ang Sparkle actor na si Kristoffer Martin sa kaniyang Facebook, matapos diumano ay ma-'hit and run' ng isang rider ng sikat na motor taxi hailing app.
Makikita na i-pinost ng former Makiling actor ang plate number ng motorsiklo.
“Hello JoyRide Superapp! Nahit and run po ako ng rider niyo. Plate no. 394OML.
Nagbigay ng update si Kristoffer sa comment section ng post niya at nasa maayos siyang lagay. Ayon sa Kapuso star na ang sasakyan lang niya ang nasira.
“Hi guys! Thank you sa concerns. Okay po ako. Sasakyan lang yung nadamage.”
Dagdag ni Kristoffer na na-trace na nila ang naturang rider.
“Okay na guys. Natrace na. Nasamin na din contact no."
RELATED CONTENT: Celebrities who survived terrifying car accidents and lived to tell their tales