GMA Logo Jake Vargas, Bea Binene, and Kristoffer Martin in The Fake Life
What's on TV

Kristoffer Martin, nagkuwento tungkol sa muling pagkikita nina Jake Vargas at Bea Binene sa 'The Fake Life'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 10, 2022 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SC reverses Comelec’s ruling canceling candidate’s COC
SALA releases new single 'Tahanan'
2 ash emission events on Mt. Kanlaon span 3 hours

Article Inside Page


Showbiz News

Jake Vargas, Bea Binene, and Kristoffer Martin in The Fake Life


Ano kaya ang naging reaksyon ng mag-ex na sina Jake Vargas at Bea Binene nang muli silang magkita sa set ng 'The Fake Life?'

Kinuwento ng aktor na si Kristoffer Martin kung ano ang naging reaksyon nina Jake Vargas at Bea Binene nang una silang magkita sa set ng GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.

Kuwento ni Kristoffer sa GMANetwork.com, hindi nagkaroon ng awkwardness sa pagitan nina Jake at Bea na dating magkarelasyon.

"Akala ko talaga, magkakaroon ng awkwardness doon [sa dalawa] kasi tinatanong ko si Bea, best friend ko, siyempre siya 'yung nakakausap ko prior doon sa taping. Sabi ko, 'Kumusta kayo?' Okay naman, hindi rin sila nag-uusap.

"Pero surprisingly, pagdating doon [sa taping], walang awkwardness, normal, magkaibigan. Nung una, nagkakapaan kasi nga years bago ulit sila nakapag-usap pero ang prineserve nila 'yung friendship.

"Kumbaga, walang ilangan akong nakita. Honest 'to ah, hindi 'to showbiz."

Sa katunayan, madalas pumunta sina Jake at Kristoffer sa cabin ni Bea sa lock-in taping dahil marami itong dalang pagkain.

"Doon pa nga kami nag-i-stay sa cabin ni Bea kasi lagi siya may pagkain, so lagi kaming kumakain doon ni Jake.

"So, talagang nagba-bond talaga kaming tatlo, nakakapag-usap kami."

A post shared by Tun (@kristoffermartin_)

Friendship with Jake

Bago ang The Fake Life, huling naging magkatrabaho sina Jake at Kristoffer sa youth-oriented show ng GMA na Tween Hearts na unang pinalabas noong 2010 kung saan nakasama nila sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio, at Joyce Ching.

Noong malaman ni Kristoffer na makakatrabaho niya si Jake matapos ang mahigit isang dekada ay hindi niya maitago ang kanyang saya.

"Huling katrabaho ko pa kay Jake, sa Tween Hearts pa talaga, ganun talaga. Nung nag-uusap kami, nagkikita lang sa mga reunion, kapag birthday ni Barbie, pero hindi pa kami nagkakatrabaho pa ulit, so na-excite ako kung paano namin gagawin 'yung may mga confrontation."

Gumaganap si Kristoffer bilang batang Onats samantala si Jake ang batang Mark. Parehong nagkagusto sina Onats at Mark kay Cindy, ang karakter ni Bea, kaya naman may scenes kung saan nagsasapakan ang dalawa.

Magkaribal man sa harap ng kamera, naging mas mabuting magkaibigan sina Kristoffer at Jake lalo na't magkasama sila sa iisang kuwarto.

"Nakakatawa nga si Jake, kaming dalawa kasi magkasama sa kuwarto. Ang una niyang sinabi, 'Grabe tol, 'no? Ang tagal na ng 'Tween Hearts.'"

"Sabi ko, 'Ganun tayo katagal hindi nag-uusap?' Nakakatawa kasi sa aming tatlo--ako, si Bea, si Jake--'yung usap namin kung paano kami before, 'yung maturity namin, bilang tao, bilang mga aktors ngayon.

"'Yun 'yung pinag-uusapan na. Dati kasi puro kami laro lang, asar-asaran. Ngayon, iba na. Iba 'yung utak namin, iba na kami makipag-usap sa isa't isa."

Mapapanood ang The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Raising Mamay.

Samantala, tingnan ang then-and-now photos nina Kristoffer, Bea, Jake, at ng iba pa nilang kasama sa Tween Hearts dito: