
Five years old na ang anak ng aktor na si Kristoffer Martin na pinangalanang Precious Christine o Pre.
Sa Instagram, nag-post si Kristoffer ng larawan na kuha sa isang marine theme park kung saan bukod kay Pre ay kasama rin ang ina ng bata na si AC Banzon.
"She turned 5 today. Yes, that fast. Grabe, totoo nga 'yung sinasabi nila [na] mabilis [ang] oras 'pag may anak ka na," sulat ng aktor.
Dagdag niya, "Happy birthday, Pre. You've been the best blessing that God has given us. Mahal na mahal ka namin."
Noong Enero inamin ni Kristoffer sa publiko na isa na siyang ama. Ayon kay sa aktor, matagal niyang itinago ang pagkakakilanlan ng anak para na rin sa proteksyon nito.
Samantala, tingnan sa gallery na ito ang iba pang celebrities na mayroong anak sa pagkabinata: