
Kabilang ang Sparkle teen actress na si Caprice Cayetano sa housemates na napapanood ngayon sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa pagpasok ni Caprice sa loob ng iconic na Bahay ni Kuya, ibinahagi ng Sparkle actor na si Kristoffer Martin sa kanyang Facebook page ang suporta niya para sa kanyang Cruz vs. Cruz co-star.
"So happy to see our little Jessica getting the attention that she deserves. Grabe tagal namin kinimkim to. Kung ano nakikita niyo sa bahay ni Kuya ganyan din talaga siya. Kaya super love namin yan sa set!
"Grabe ngayon lang ata ako ulit natutok sa PBB dahil sayo Cap! Diyan ka muna sa loob. Abangan ka namin sa big night! (claiming lang baket?)" sulat niya.
Gumaganap si Kristoffer bilang Jeff habang si Caprice naman ay ginagampanan ang role bilang Jessica sa Cruz vs. Cruz.
Samantala, ipinakilala si Caprice bilang ang Demure Daughter ng Quezon City sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
KILALANIN SI CAPRICE CAYETANO SA GALLERY NA ITO.