
Ramdam na ramdam ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang suporta ng kanyang kaibigan na si Kristoffer Martin sa kanyang kauna-unahang triathlon relay sa BYD Ironman 70.3 Davao.
Sa Instagram ng Sparkle, ibinahagi na lumipad pa si Kristoffer upang personal na suportahan si Alden sa naturang event, kung saan siya ang sumabak sa cycling leg.
Makikita sa video na todo-cheer si Kristoffer habang nasa race track si Alden. Nakaalalay rin siya matapos nitong makumpleto ang kanyang bahagi sa kompetisyon.
“POV: Kristoffer Martin as your Best Hype Man,” sulat sa text ng video.
Kasama ni Alden sa kanyang triathlon team ang content creators na sina Nico Bolzico at Wil Dasovich.
Isa si Kristoffer sa mga kasama ni Alden nang simulan nito ang kanyang cycling at running journey.
Samantala, si Kristoffer ay isa ring triathlete na sumabak sa kanyang unang triathlon noong September 2025, kung saan siya ay second place sa Under 30-39 age category sa NCC2CRK Triathlon.
RELATED GALLERY: Alden Richards finishes his first-ever triathlon relay