
Nasubukan ang tibay at lakas ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa pagsali nito sa triathlon event na IRONMAN 70.3 na idinaos sa Davao ngayong Linggo, March 22.
Base sa updates ng Sparkle GMA Artist Center, matagumpay na natapos ni Alden ang competitive race kasama ang vlogger na si Wil Dasovich at ang mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.
Ang tatlo ay parte ng celebrity team ng fast-rising electric vehicle brand na BYD na iniendorso rin ni Alden.
Isa sa lumipad papuntang Davao para suportahan ang Asia's Multimedia Star ang kaibigan niyang si Kristoffer Martin na isa ring triathlete.
Noong September 2025, nasungkit ng Kapuso actor ang second place sa Under The 30 to 39 Age category sa NCC2CRK Triathlon.
I-pinost pa ni Kristoffer sa kanyang Instagram Story ang ilang kuha niya ni Alden habang nagko-compete sa Ironman.
Congratulations, Alden Richards!
RELATED CONTENT: Kilalanin pa ang ilang celebrities na sumali sa marathon at triathlon races