
Alam ng marami na unang nakilala ang Makiling actor na si Kristoffer Martin nang sumali siya sa isang singing contest, bago siya tuluyang naging aktor. Ngunit dahil din mismo sa showbiz career niya ay napilitan siyang tumigil sa pag-aaral.
Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, inamin ni Kristoffer na second year college na siya noon nang maramdaman niyang nahihirapan na siyang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista.
“Nung nagka-college ako, ang pasok ko lang sa school is TTHS (Tuesday, Thursday, Saturday), tapos MWF (Monday, Wednesday, Friday) po 'yung taping. Ta's umuuwi ako [galing] taping ng 5, 6 a.m., pasok ko, 7:20 a.m. Dumating po sa point na alam kong babagsak na'ko, kailangan ko mag-drop ng subjects,” sabi niya.
Ayon sa aktor, nakatanggap siya ng payo mula sa kaniyang Munting Heredera co-star na si Miss Gloria Romero, “Kailangan mo mamili ng isa kasi nahihirapan ka na. You can't serve two masters at once.”
Aminado naman si Kristoffer na mahirap na desisyon iyon para sa kaniya, lalo na at gusto ng daddy niya na magtapos siya.
“Kasi ang course ko po nu'n, nu'ng time na 'yun, ang iniisip ko entrepreneurship e, so sabi ko, kapag ganu'n, magtatayo na lang ako ng business,” sabi niya.
“Pero parang ano ba 'yung gusto ko? Andun na'ko sa point na ano ba ang gusto kong gawin?” dagdag pa niya.
TINGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAKAPAGTAPOS SA GALLERY NA ITO:
Sa huli ay nanaig pa rin ang gusto niya at nagpatuloy siya sa pag-arte. Isa sa sa mga pinakaunang serye na ginawa niya ay ang Endless Love na kinokonsidera niyang biggest role niya sa TV.
Paliwanag ng aktor, “Kasi 'yun po talaga 'yung pinakanapansin po sa akin. Ang dami ko pong ginawa sa kabila, tapos 'pag tinatanong nila ako, 'Uy, kailan ka nag-start?' 'Matagal na, nag-start ako sa ganitong show.' 'A, andun ka ba?'”
“Pero dito po sa 'Endless Love', hanggang ngayon sinasabi nila, 'Ay ikaw 'yung gumanap na young Johnny.' Na up to now po, lalo na 'yung mga elder natin, lagi nilang naaalala 'yung 'Endless Love',” pagpapatuloy ni Kristoffer.
Pakinggan ang buong interview ni Kristoffer dito: