GMA Logo Krystal Mejes at Marco Masa
Courtesy: marcomasa_ _ (TikTok)
What's Hot

Krystal Mejes at Marco Masa, nilayag ng PBB 2.0 fans

By EJ Chua
Published April 1, 2026 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Police car damaged in 2 blasts in Maguindanao del Sur
Blue Knight takes flight: Rene Baterbonia’s path to Loyola Heights
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News

Krystal Mejes at Marco Masa


May bagong isini-ship ang 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' fans.

Nilayag na rin ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 fans ang ex-housemates na sina Marco Masa (Sparkle) at Krystal Mejes (Star Magic).

*Related gallery: Meet the fan-favorite ships in Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0

Sa latest video na inupload ni Marco sa kanyang TikTok account, mapapanood na kasama niya rito si Krystal at game na game ang huli na makipag-TikTok sa una.

Ang dapat sana'y smooth na entry nila sa isang trend ay isa pa lang prank.

Nang narinig ni Krystal na ibang song na ang nag pe-play, napa-react na siya dahil sa pag prank sa kanya ni Marco.

Sa comments section ng video, mababasa ang reaksyon ng netizens at kani-kanilang fans na kinilig sa chemistry ng dalawa.

Ngayon ay tinatawag na sina Krystal at Marco na KrysCo at tila marami na ang nakaabang sa next moments at bonding nila together.

@marcomasa__ nakabawi @Krystal Mejes ♬ original sound - JORGE

Source: marcomasa_ _ (TikTok)

Si Marco Masa ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Wonder Brother ng Antipolo at siya rin ang isa sa wildcard housemates.

Nakilala naman dito si Krystal Mejes bilang Wishful Waray ng Samar at siya ang nag-uwi ng titulong Kapamilya Second Big Placer sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.