
Nakatakdang ikasal ngayong 2025 ang former child star na si Jolina Marie Reyes na mas kilala sa entertainment industry bilang si Krystal Reyes.
Bago ang pag-iisang dibdib nila ng kaniyang non-showbiz at longtime partner na si Lawrence, nakatanggap ng isang surprise bridal shower si Krystal mula sa kaniyang mga kaanak at mga kaibigan.
Masaya niyang ibinahagi sa isang vlog kung paano siya nasorpresa sa kaniyang bridal shower at kung ano pa ang mga nangyari sa event.
Parte ng vlog ang makulit at patagong preparasyon ng mga kaanak at kaibigan ni Krystal habang kasama at pinagmamaneho sila ng huli.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 1.5 million views ang vlog ng former child star tungkol sa kaniyang bridal shower.
Bukod sa pag-aasikaso sa nalalapit niyang wedding, abala rin siya sa pagnenegosyo.
Matatandaang unang nakilala si Krystal sa mundo ng show business sa kaniyang role sa 2006 hit GMA drama series na Bakekang.
Napanood din siya sa Anna KareNina noong 2013, kung saan naging co-stars niya ang Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Joyce Ching.