Article Inside Page
Showbiz News
Hindi inakala ng young Kapuso actress na si Krystal Reyes na magiging malapit siya sa kanyang
Anna KareNina co-stars na sina Barbie Forteza at Joyce Ching. In an interview during the
Anna KareNina live chat, Krystal opened up about what she'll miss most in the show, her working relationship with her co-stars, and what viewers can expect from the series' last few episodes.

Hindi inakala ng young Kapuso actress na si Krystal Reyes na magiging malapit siya sa kanyang
Anna KareNina co-stars na sina Barbie Forteza at Joyce Ching. In an interview during the
Anna KareNina live chat, Krystal opened up about what she'll miss most in the show, her working relationship with her co-stars, and what viewers can expect from the series' last few episodes.
"Mami-miss ko 'yung mga eksena namin ni Lola Carmela. Kasi kapag may eksena talaga kami ni Lola Carmela, sobrang tagos sa puso. Lagi akong dalang dala sa mga eksena namin ni Lola Carmela, kasi siyempre po 'di ba, kaeksena mo si Sandy Andolong. Sobrang nakakatuwa si Tita Sandy. Siyempre mami-miss ko rin sina Joyce and Barbie. Sobrang naging solid kaming tatlo. Anlalim ng nabuo naming pagkakaibigan sa
Anna KareNina," kuwento ni Krystal.
She also elaborated on why she didn't expect to be close with Barbie and Joyce. Nakatulong din naman daw ang closeness nila sa pag-enjoy nila sa pagtatrabaho. "Hindi po. May mga nagtatanong nga 'O magkakaaway ba kayo?' Sabi ko, bakit kami mag-aaway? Ang saya kasi. Mas masipag kang magtrabaho kasi 'yung mga katrabaho mo, gusto mo. Hindi 'yung magtatrabaho ka na 'Makikita ko na naman si ganun'. Kami kasi 'Uy may taping na naman, magkikita-kita na naman kami!'"
Krystal is currently paired with Julian Trono in this series. Is she willing to work with him again, or does she want a different partner?
"Okay lang po, kasi mabait naman po silang lahat, mabait naman si Julian. Pero mas gusto ko po 'yung kilala ka dahil sa sarili mo, hindi dahil sa ka-loveteam mo. Feeling ko kasi kapag ganun, mas maipapakita ko kung ano 'yung mayroon ako. Pero siyempre 'yung ngayon pong gusto ng mga tao, mga loveteam, may pa-kilig, pa-sweet, kaya okay lang din po sa akin."
She also hints on what avid viewers should look forward to in
Anna KareNina's finale week. "Marami po kayong aabangan sa
Anna KareNina. Bukod pa kung sino ba talaga ang tunay na Anna Karenina, kailangan niyo rin abangan kung ano na ba mangyayari kay Maggie, paano ba siya matatagpuan, o kung hindi na ba talaga siya matatagpuan, kung ano mangyayari kay Ruth, paano ba siya paparusahan, kung anu-ano pa ang gagawin niya. Dapat niyo rin abangan 'yung kay Lolo Xernan, kung ano na ba mangyayari kay Lolo. Dapat wala kayong palampasin."
Don't miss the last episodes of the hit primetime series
Anna KareNina, weeknights after
24 Oras, on GMA Telebabad. --
Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com