
“Hindi ko hinihindian kahit malayo.”
Ito ang naging pahayag ni Kuh Ledesma nang mapag-usapan ng mga kapwa niya OPM divas na sina Pops Fernandez and Jaya ang tungkol sa mga gigs na gagawin nila ngayong papalapit na ang Pasko.
Katatapos lamang ng successful 3 Divas concert nila sa Fantasy Springs Resort and Casino sa California, U.S.A. nitong November 12. Dahil dito, may plano silang dalhin pa ito sa iba't ibang panig ng Amerika pati na rin dito sa Pilipinas sa susunod na taon.
Pero bago ito, magiging abala raw muna ang tatlong OPM divas sa kani-kanilang shows.
Kaugnay nito, naikwento ni Kuh ang pagtanggap niya sa isang show kahit na humingi ng diskuwento sa kanyang talent fee.
“Sa Pangasinan, alam n'yo, mayroong nagtatanong sa akin. Siyempre, because maliit na lugar lang, kung pwede raw tumawad.
“Alam mo, sabi ko, parang nakakaistorbo kapag hindi ko tinanggap 'yan. Kasi, nagse-share nga ako ng tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa atin, ng pagmamahal niya. Ito, walang bayad, 'tapos yun, babayaran ako and hindi ako pupunta?”
Bukod sa napapanahon ngayong Pasko, kaya raw kinuha niya ang show dahil, “It's an opportunity always for me to be able to sing songs about our Lord. So, sabi ko, tanggapin na, bayad naman, di ba?”
Pagkatapos nito, inilahad niya na dapat ay iwasan ng isang artista ang magmalaki kahit sobrang sikat na.
Sabi ni Kuh kina Pops at Jaya, “Alam n'yo, hindi tayo pwedeng magmalaki kahit mga divas tayo. Talagang ang blessing ng Panginoon is really for us to bring joy to the people around us.
“Siyempre, huwag naman yung sobrang tawad na parang nakakahiya na. Pero, at the same time, whatever we can do for our kababayans, especially this Christmas, talagang gawin natin kasi marami talagang not doing very well right now. Kailangan ng trabaho, marami ring nagugutom, lalo na sa probinsya dito.”
Samantala, halos ganito rin ang naging pahayag ni Jaya habang ipinapaliwanag ang pagbabago ng isip niya tungkol sa pagreretiro.
Ayon kay Jaya, nag-iba na ang perspektibo niya bilang isang singer.
“When you're giving a talent, you use it as much as you can, for as long as you can, because it's something that might touch people and lead people to Christ,” paliwanag niya.
“That's kind of how I do it now. Even if it's not on stage, I do testimonies a little bit. Parang statement lang then segue to a song.
“But I always think about the audience of one. I'm not really singing so much to please whoever is in front of me. Kasi, que gawin kong okay o hindi, they will always have something to say. So, it's more of, 'I'm singing for You. You brought me here, what can I do for You? How can I best serve You?' Ganun lagi ang goal ko.”
Bukod sa pagpe-perform sa iba't ibang shows sa Amerika, madalas din daw nagsisilbi si Jaya sa simbahan bilang singer.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA ARTISTANG PINILING NANG MANIRAHAN SA IBANG BANSA: