
Nagtungo sa isang masayang adventure ang Batang Cute-po na si Kulot at “Mini Miss U” Grand Winner na si Arianah Kelsey dahil pumunta sila sa Hong Kong Disneyland kasama ang kanilang loved ones.
Sa recent episode ng It's Showtime, ipinakita na nilibot nina Kulot at Kelsey ang nasabing theme park at nagsuot pa ng costumes ng Disney characters na sina Elsa at Anna ng pelikulang Frozen.
Sa katunayan, pinuntahan nina Kulot at Kelsey ang attraction na World of Frozen, kung saan nakilala nila sina Elsa at Anna.
“Masaya naman ho ako at nag-enjoy dahil ho nakita ko sina Olaf at Anna,” ani Kulot.
Bukod sa pamamasyal, sumakay rin sa rides sina Kulot at Kelsey gaya ng Wandering Oaken's Sliding Sleighs.
“Fast 'yung ride. Niyakap ko si daddy,” pagbabahagi ni Kelsey.
Para makumpleto ang magical trip nina Kulot at Kelsey, na-meet nila ang iba pang mga Disney character tulad nina Mickey Mouse, Minnie Mouse, Princess Aurora, at marami pang iba.
Noong Oktubre, tinanghal si Kelsey bilang grand winner ng “Mini Miss U” at nakatanggap siya ng P300,000 cash prize, crown, sash, at management contract mula sa Polaris. Nanalo rin si Kelsey ng trip to Hong Kong Disneyland for three days at two nights kasama ang kanyang pamilya.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at tuwing Sabado sa oras na 12 noon sa GTV.