What's Hot

Kumpleto na ang Sunday bonding sa GMA simula June 1!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IPC may duplicate functions of Ombudsman, DOJ —Palace
#WilmaPH accelerates slightly as it crosses Samar

Article Inside Page


Showbiz News



Dagdag kaalaman, kilig, at saya ang naghihintay sa inyo tuwing Linggo simula June 1, starting with 'Picture! Picture.'


Dagdag kaalaman, kilig, at saya ang naghihintay sa inyo tuwing Linggo simula June 1!

Para sa mga maagang gumising, ma-inspire sa Jesus The Healer pagsapit ng 5 a.m.

Siguradong maganda ang simula ng Linggo ninyo at ng inyong mga chikiting with your favorite anime shows and cartoons, Mojacko, Puppy in My Pocket, Scan2Go, The Batman, Super Book, Hayate and One Piece Strong World simula 6 a.m.

Ituloy-tuloy ang pagdagdag sa kaalaman sa pamamagitan ng mga trivia at experiment na hatid ng Aha! ng 9 a.m., Born To Be Wild ng 9:45 a.m., iBilib ng 10:15 a.m., at Kap’s Amazing Stories sa bago nitong timeslot na 10:45 a.m.

I-enjoy ulit ang out-of-this-world love story nina Matteo Do at Steffi Cheon sa My Love from the Star The Kilig Throwback simula 11:15 a.m.

Pagkatapos kiligin sa hottest Korean stars ngayon, maki-bonding naman kasama ang hottest Kapuso stars today sa Sunday All Stars simula 1:50 p.m.

Maghanda nang yakapin ang mga katabi sa nakakakabang hapong dala ng Asian Horror Stories pagdating ng 3:20 p.m.

Tunghayan naman ang latest sa Pilipinas at sa mundo sa walang kinikilingan at walang pinoprotektahang balita ng 24 Oras Weekend simula 5:35 p.m.

Mamili sa selfie o help me sa entertaining game show na Picture! Picture! na mapapanood na tuwing Linggo ng gabi pagsapit ng 6:05 p.m.

Pagkatapos, samahan ang Manaloto family sa kanilang iba’t ibang adventures simula 6:50 p.m. sa Pepito Manaloto.

Alamin din ang mga uso, kakaiba, nakakagulat, nakakatuwa, at marami pang iba sa Kapuso Mo Jessica Soho simula 7:50 p.m.

Magsumbong ng mga krimen at anomalya sa nag-iisang Imbestigador pagsapit ng 10 p.m.

Iba’t ibang concerts, movies, at programs naman ang garantisadong kukumpleto ng ating Linggo sa Sunday Night Box Office mula 10:45 p.m. hanggang 12:30 a.m.

Bago matulog, alamin ang mga isyu ng mga kabataang Pilipino sa Diyos at Bayan pagsapit ng 12:30 a.m.