
Hindi lang makapigil-hiningang stunts at at matitinding actions scenes ang dapat abangan sa Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa primetime.
Source: @kapusoprgirl (IG)
Mayroon din kasi itong kaabang-abang ng romance at drama. Isa na diyan ang kumplikadong love story sa pagitan ng apat na mga karakter sa bayan ng Tumahan.
Magkababata si Lolong, played by Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid, at Elsie, karakter naman ni Shaira Diaz.
Sa pagdating ng vlogger mula sa Maynila na si Bella, role ni Arra San Agustin, tila mapupukaw niya ang atensiyon ni Lolong.
Dahil dito, mapapalapit si Elsie kay Martin, played by Paul Salas, anak ng isang makapangyarihang pulitiko at matinding kaaway ni Lolong.
Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.
Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!
Samantala, silipin ang pagharap ng cast ng Lolong sa media sa eksklusibong gallery na ito: