
Sa interview kay Marian sa press conference niya para sa Tadhana, nag-kuwento ito patungkol sa pagkikita ni Baby Zia at ng kanyang ama na si Francisco Javier Gracia Alonso.
?Aniya, "Bukod doon sa kasal ng kaibigan ko na na-witness namin, maganda 'yung pagkakataon na mag-bonding kaming tatlo mag-anak. Tapos syempre 'yung trip namin, syempre and 'yung ending save the best for last, so 'yung Papa ko 'yung kinita namin. At yung mga kapatid ko rin, with Zia. Kasi first time nila nakita si Zia."
Paano naman ang naging first meeting ng father niya at ni Zia?
Ika niya, "Wala, kung makayakap sila, as in parang ayaw nila pakawalan ang anak ko."
Napatunayan din niyang malakas ang lukso ng dugo, dahil very close naman agad ang father niya at si Zia noong unang magkita ang dalawa.