
Action packed ang weekend kasama ang mga pelikulang inihanda ng GTV.
Magkahalong action at comedy ang hatid ng Kung Fu Hustle starring Stephew Chow. Kuwento ito ng isang aspiring gangster na matutuklasan na isa pala siyang mahusay na kung fu master.
Abangan ang Kung Fu Hustle, November 12, 7:00 p.m. sa G! Flicks.
Para naman sa fans ng war films, nariyan ang The Battle of Jangsari.
Tungkol ito sa isang grupo ng mga estudyante na magiging mga sundalo pagkatapos lamang ng dalawang linggo ng boot camp training.
Tampok sa pelikula si Hollywood actress Megan Fox bilang isang war correspondent at SHINee member Choi Min-ho bilang isa sa mga sundalo.
Tunghayan ang The Battle of Jangsari sa November 12, 10:45 p.m. sa The Big Picture.
Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.