Article Inside Page
Showbiz News
Inaabangan na ang pagsisimula ng Telebabad series na "Ang Dalawang Mrs. Real". Sa aming interview with Alessandra de Rossi, nagkuwento ang aktres tungkol sa kanyang character na gagampanan dito.

Sunod sunod ang blessings na dumarating sa Kapuso artist na si Alessandra de Rossi. Kailan lang ay nagsimula ang kanyang morning show na
Basta Every Day Happy kasama sina Gladys Reyes, Donita Rose, at Chef Boy Logro. Malapit na ring magsimula
Ang Dalawang Mrs. Real kung saan makakatrabaho naman ng aktres sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at si Ms. Maricel Soriano.
Ayon kay Alessandra, siya ay gaganap bilang ex-girlfriend ni Anthony [Dingdong Dantes] na magiging bestfriend ni Milette [Maricel Soriano].
“Hindi ako kasali doon [sa mga babaeng magiging Mrs. Real]. Muntik na akong maging [Mrs. Real]. Hiwalay na nga kami ni Anthony. Ex-girlfriend ako ni Dingdong (Anthony), so hindi ako naging Mrs. Real, pero muntik na,” pahayag ng aktres.
Hindi naman ibinahagi ni Alessandra ang detalye ng kanyang karakter, ngunit sinabi niyang may importanteng mangyayari sa kanya rito.
“Ako 'yung dapat na Mrs. Real. Dapat siguro masasabi ko 'yung line na 'una siyang naging akin, inagaw mo lang',” natatawang kuwento ni Alessandra.
Dahil sa biro na kanyang binitawan, tinanong namin kung nangyari na ba sa kanya ang ganitong klase ng sitwasyon?
“Wit (hindi)! Kung gusto mo, sa 'yo na! Hindi ako makikipag-agawan ever! Kahit sa anong bagay, kahit sa mga kapatid namin, kahit sa pagkain, kahit sa damit, iyo na 'yan lahat. Sa iyo na 'yan,” natatawang paliwanag niya.
Abangan si Alessandra de Rossi sa nalalapit na pagsisimula ng ‘Ang Dalawang Mrs. Real’ sa GMA Telebabad.
Para sa iba pang updates mula kay Alessandra de Rossi at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa
www.gmanetwork.com.
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com