
Anong gagawin mo kung may ate ka na sobrang kuripot, at girlfriend na bilmoko?
'Yan ang problema ng OFW na si Amante (Neil Ryan Sese). Hindi magkasundo ang ate (Lotlot de Leon) at ang girlfriend (Ashley Rivera) niya.
Dumagdag pa sa problema ang bagong gawang bahay niya. Dahil kasi sa kakatipid ng Ate niya, unti-unting nasisira ang bahay niya.
Dear Uge presents, “Ateng Kupitera vs Jowang Huthutera” with Lotlot De Leon and Niel Ryan Sese ngayong Linggo, July 19.