
Isang exciting na Biyernes ang pagsasamahan natin sa Amazing Earth dahil may mga bagong kuwentong inihanda si Dingdong Dantes.
Sa episode ngayong September 1, mapapanood ang kuwento ng vlogger na si Zarckaroo at ang kanyang experience sa abandoned mall na matatagpuan sa Bangkok, Thailand.
Tampok din sa Amazing Earth ang Sparkle star na si Haley Dizon at ang kaniyang unang pagsabak sa UTV or Utility Terrain Vehicle sa Antipolo, Rizal.
RELATED GALLERY: Dingdong Dantes and his exciting adventures on 'Amazing Earth'
Abangan din natin ang mga handog ni Dingdong na kuwento mula sa nature documentary series na “Africa's Deadliest: Fangs that Kill.”
Tutukan ang Friday night habit na handog ng Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.