
Ngayong August 8, panibagong exciting na amazing na kuwento ang ibabahagi sa atin ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.
Sa episode ngayong Linggo, ikukuwento ng Kapuso Primetime King ang maganda at misteryosong Alligator Lake mula sa Tadlac, Los Banos, Laguna.
Photo source: Amazing Earth
Makikilala rin sa Linggong ito si Carson Moody na kilala sa tawag na Bisayang Hilaw. Si Carson ay isang vlogger na sumikat dahil sa pag-travel sa ating bansa kasama ang kaniyang Pinay-Australian na girlfriend na isa ring travel vlogger.
Sa episode na ito masasaksihan din natin ang iba't ibang kuwento mula sa kamangha-manghang nature documentary na Spy in the Wild Series 2: The North.
Samahan natin si Dingdong Dantes sa kaniyang bagong paglalakbay sa Amazing Earth ngayong August 8, 7:40 p.m. sa GMA Network.
Amazing Earth: Ano ang blackwater diving?