
Bagong taon, bagong mga kuwento ang hatid ng AHA! ngayong Linggo. Alamin kung ano ang maaaring gawin upang suwertehin ngayong 2024. Kilalanin din si Maria Makiling sa kaniyang alamat, ang kuwento ng bullying at paghihiganti sa Makiling.
Samantala, kilalanin ang batang may asul na mata na sa Quezon. Paano nga ba niya nakuha ang ganitong kondisyon?
Ngayong Bagong Taon, mayroong mga pampasuwerte na maaaring gawin upang maging mas maganda ang takbo ng 2024. Sa tulong ni Master Hanz Cua, alamin ang lucky tips para sa masaganang bagong taon.
Isa si Maria Makiling sa mga pinakakilalang diwata sa Philippine Mythology. Pero alam niyo ba na isa sa mga hiker ng Mount Makiling ang naka-engkuwentro umano ng isang engkanto? Alamin ang alamat ni Maria Makiling sa Storytime.
Samantala, mapapanood na rin ngayong 2024 ang Makiling na pagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Sa set ng inaabangang GMA Afternoon Prime drama, ibabahagi ni Myrtle Sarrosa, isa sa mga bully ni Elle sa serye, kung paano siya naging biktima ng bullying sa totoong buhay.
Isang AHA-mazing kid na may pambihirang katangian ang makikilala ngayong Linggo. Sa Quezon, isang bata ang may kulay asul na mata ang matutunghayan. Paano nga ba sila nagkaroon ng ganitong kondisyon?
Bagong kaalaman at kuwento ang hatid sa inyo ng AHA! tuwing Linggo, 8:15 a.m., sa GMA.