GMA Logo Aiai Delas Alas
What's Hot

Kuwento ng buhay ni Aiai Delas Alas, tampok sa 'Tunay na Buhay'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 5, 2021 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Alamin ang kuwento ng buhay ng nag-iisang Kapuso Comedy Queen na si Aiai Delas Alas mamayang 11:30 p.m. sa 'Tunay na Buhay.'

Binansagang Comedy Queen ang Kapuso na si Aiai Delas Alas dahil sa kanyang galing sa pagpapatawa, pero lingid sa kaalaman ng marami ay maraming pagsubok ang dumating sa buhay ni Aiai.

Bata pa ang mga anak ni Aiai na sina Sancho, Nikki, at Sophia nang maging single mother siya.

Mahirap man, kinaya ni Aiai na pagsabayin ang kanyang responsibilidad bilang magulang sa kanyang tatlong anak, at sa kanyang trabaho bilang aktres.

Ngayong malalaki na ang mga anak ni Aiai at masaya na rin siya sa piling ng kanyang asawang si Gerald Sibayan, busy na si Aiai sa pagbe-bake!

Sa katunayan, isang taon na ang negosyo ni Aiai na Martina's Bread and Pastries, na sinimulan niya noong magkaroon ng community quarantine.

Ano kaya ang naging sikreto ni Aiai upang maging matagumpay sa buhay?

Alamin ang kuwento ng totoong buhay ng nag-iisang Kapuso Comedy Queen Aiai Delas Alas mamayang 11:30 p.m. sa Tunay na Buhay.